Yan yung mga linyang kadalasang tinatanong ng isang tao sa taong mahal niya kapag hindi niya na ito naiintindihan. Sobra na ba? Yung tipong nakakasakal na. Overprotected, overacting, at over sa lahat ng bagay. Yung lahat nalang, binabawal, pinagkakait, gusto laging siya lang, at gusto laging kayo lang. Ayaw kang madikit sa iba, lahat ginagawa para sayo, o lahat nalang ng bagay dapat kasama siya ‘pag nagdedesisyon.
O kulang pa? Yung tipong akala mo wala siyang pakialam sayo kahit ano pa ang ginagawa mo, yung ‘di ka man lang makuhang itext sa isang araw pero ang hindi mo alam, hinihintay niya lang palang ikaw ang unang magtext, at yung akala mo parang balewala ka lang sa kanya.
Anuman sa dalawang tanong na yan, karapat-dapat niyang malaman kaagad ang kasagutan kasi hindi lang naman ikaw ang nasasaktan. Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan, at lalong hindi lang ikaw ang napapagod. Pero wala siyang magagawa kung ayaw mo na. Masasaktan siya, oo, pero kailangan niyang malaman ang katotohanan as soon as possible. Dahil una, para hindi na siya umasa, pangalawa, para hindi na siya mapagod sa taong walang pakialam sa kanya, at pangatlo, para malaman kung ano ang tama at mali sa relasyon niyo at matuto.
I am the kind of person who doesn’t want to get fat. When I was a little girl, I used to be called “butiki”, and any other thin things because they say that I’m very thin. I barely eat food and drink milo/milk, I always get sick, and my parents find so hard to feed me. What can they do? My body doesn’t want to get thicker. But, by the time I entered College life, they have their eyes wide open as well as my other cousins and relatives because my body becomes normal and kinda thick. And now, I find it hard to get back my body into thin one. I hate to say this but I got bigger, as well as my face and legs. Not that I’m being too conscious but I hate to see my faces in the pictures with a big stomach and a wide body. Haha. I’ll try my best to lessen my caddishness in foods.
Hindi ka nga sinasaktan, hindi ka nga niloloko, hindi ka nga pinagtataksilan, hindi ka nga iniiwan, pero alam mo yung masakit? Yung araw-araw ka niyang pinapaniwalang mahal ka niya, nang wala siyang ginagawa. Ganyan siya kamanhid at kapusong bato. Paano niya nga ba papatunayan na mahal ka nga niyang talaga? Pagkatapos niya sabihing mahal ka niya, ganun nalang ba yun? Masakit isiping pati sarili mo pinaniniwala mong mahal ka niyang talaga kahit napakaimposibleng paniwalaan. Saan nga ba hahantong yan kung hanggang ganyan lang siya? Minsan, kapos pa rin ang “Mahal Kita” lang..
Gwapo no? Maniniwala ba kayo pag sinabi kong prof ko ‘to nung 1st Year College, 2nd Sem ako? Ayiee. Dejk. He’s one of the amazing professors I’ve ever met. He’s a Cum Laude in UP-Cebu in their batch. He’s very strict when it comes to discussions and exams but he’s very jolly and cheerful outside the classroom. I idolized him for being very responsible and a very committed person. He’s very sweet to his students that there are times when he sings to us. He shares what he knows with us, he’s not judgemental, and he’s very kind. And to my surprise, before the semester ended, he chose me as the most outstanding Researcher of the Class. I’m so proud being one of his students. I wish him more luck with his work and family :)
Gusto ko siya. Gusto ka niya. Iba gusto mo. Life’s fair. Gusto ko siya. Gusto ka niya. Gusto mo rin siya. Life’s unfair. That’s how life works. Bawat isa sa atin naghahanap ng kung anu-anong kababaliwan o pagkakaabalahan, naghahanap ng mga sagot sa ating mga katanungan, at nagiging tanga sa mga bagay na pinaninindigan.
Ang buhay ay parang cycle, mula sa pagiging masaya, nagiging malungkot, pagkatapos magagalit, iiyak, mamumuhi, tas balik ulit sa pagiging masaya. Hindi man natin ngayon naiintindihan ang buong kahulugan ng buhay na ito, dadating at darating ang araw na magkaka-ideya tayo kung para ano at para saan nga ba patungo ang lahat ng ito. Ika nga, “someday it’s gonna make sense.”
Magtiwala ka lang at maiintindihan mo rin ang lahat. Dadaan kapa sa napakaraming pagsubok na magbibigay sayo ng kahinaan pero wag kang matakot harapin ang katotohanan na kahit ano ka pa, kahit sino ka pa, malalaman at malalaman mo rin ang halaga ng iyong buhay sa mundong ito.
This reminds us not take for granted every opportunity because if we are always confident of what we say and do, we will have a hard time accepting the depth of bitterness, Always remember that if you twist the word L-i-f-e, a word F-i-l-e is possible to be formed. In short, a little twist you make in your life that is against goodness, a bundle or file of bitterness may result.
Congratulations Candice Glover ng American Idol Season 12! You deserve it. Pero sa kabilang banda, bitter ako kunware. Si Kree kasi ang bet ko. Pero okay lang naman. Big deal na sakin na makapasok siya sa 2 finalists. Ang ganda kasi talaga ni Kree at ang ganda-ganda talaga ng boses niya kahit medyo may katabaan. Ganun din si Candice. Nabreak na ulit ang record kasi these past few batches ng AI eh puro lalaki yung nananalo. Go Candice and Kree!
Tinatamad na ‘kong gumawa ng mga long posts. Nakakatuyo ng utak. Halos pare-pareho lang naman kasi ng topics, at alam nating lahat na nakakatamad basahin. Pero pipilitin ko parin, blogger eh. Masaya ako sa ginagawa ko, at alam kong kayo rin. Kahit nasasabaw lagi, gagawa parin ng paraan makapagpost lang. Kailangan ng sipag at tiyaga. Kaya natin ‘to!
Everyone deserves to be happy. No matter how difficult life is, no matter how complicated the situations are, and no matter how hard to search for the truth, still, day will come when you have no choice but to put a smile on your beautiful face. Difficulties in life doesn’t mean disasters, rather, a test in life to be taken to prove your ability to experience life with both tears and happiness.
- Kinder ako nun, naglalaro kami sa monkey bar sa playground sa school kasama ang classmates ko nang bigla akong nakabitaw sa bakal kaya nahulog ako. The next thing I knew, nagdudugo na yung bibig ko. Una kasing tumama sa lupa ang mukha ko.
- Isang beses may nakatext akong classmates ko, eh english speaking. So ening-glishan ko rin kaya lang, imbes na “coincidence”, “coincident” ang nasabi ko.
- Kasal ng parents ng classmate ko nung highschool, super formal ang suot, ang nakakatawa, naka-maong pants kami ng iba kong classmates at wala kaming ibang choice kundi dumaan sa gitna ng red carpet papuntang dulo habang tinitignan ng lahat ng tao.
- Sa classroom, tinanong kami ng prof namin kung sino sa amin ang mga nearsighted, tapos tinaas ko kamay ko. Tas nlipat niya ako ng upuan sa medyo malapit sa board. Mayamaya, tinanong niya ‘ko kung ilan ang grado ko, akala ko grade ko sa subject na yun ang tinatanong sakin kaya sabi ko “1.5”, yun pala, yung grado ng mata ko/salamin na ginagamit ko.
Pag naalala ko lahat yan, nanlulumo ako sa hiya XD
I still have 5 thick novels pending to be read. Whaaaaaaat? Kakayanin ba ‘to ng powers ko? Kung pwede lang sanang matapos ang isang librong may 300+ pages sa isang oras. Pwuuh! Sana kaya ko. Kakayanin ko ‘to. Kung kailangang ‘di na matulog, gagawin ko. dejk. Babad na nga ang mata sa comp maghapon, babad din tuwing gabi sa paperbacks -________- Aja!
Ayoko pang bumalik ng Cebu. Gustuhin ko man yung lugar, eh pasukan na ulit. Balik aral nanaman for 4 long months nang hindi umuuwi, hindi na unli food kasi budgeted na ang allowance, mamimiss ko nanaman ang maliit naming bahay at ang buong pamilya, araw-araw nanaman makakaranas ng traffic, at marurugmok nanaman sa katamaran sa pag-aaral. Pero wala akong magagawa kasi kailangan. Kailangan kong mag-aral nang mabuti para makagraduate ako sa kurso ko at makahanap ng trabaho. Kailangan kong tapsuin anuman ang nasimulan ko. Pero gusto ko na ring bumalik kasi makikita ko na ulit ang mga sira ulo kong mga kaibigan, non-stop nanaman ang experiences, at namimiss ko na rin ang uri ng pamumuhay dun. Kaya okay lang.
Hi ;”> Walang anuman po :) Friends na tayo.